Nakipag ugnayan na ang embahada ng Singapore sa Pilipinong nag positibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Consul General Bernie Candolada, anumang oras na kailanganin ng Pinoy ang tulong ay mabilis na nyang mako-kontak ang Embahada ng Pilipinas.
Ang Pinoy anya na permanent resident na sa Singapore ay nasa ospital na inilaan ng pamahalaan ng Singapore para sa mga positibo sa COVID-19.
Sinabi ni Candolada na sa mahigit 50 nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore, 38 na lamang ang natitira sa ospital kabilang ang isang Pinoy.