Nagpatupad ng mas mahigpit na patakaran ang Embahada ng Pilipinas sa United Arab Emirates (UAE) para sa mga overseas Filipinos na mag-i-sponsor ng kamag-anak patungo sa nabanggit na bansa.
Kabilang sa bagong requirement ay ang salary threshold o suweldo ng nagpepetisyon na overseas Filipino na hindi bababa sa 10,000 dirham.
Ayon kay Consul General Marford Angeles, layunin nitong matiyak na kayang bigyan ng matutuluyan ng nag-sponsor na overseas Filipino ang kanilang pinapuntang kaanak sa UAE.
Ipinatupad aniya ang bagong polisiya bunsod na rin ng dumadaming residente ng UAE na nawawalan ng trabaho, nasa no-work-no-pay arrangements, o nakararanas ng bawas sa suweldo bunsod ng epekto sa ekonomiya ng COVID-19 pandemic.
Pinayuhan naman ni Angeles ang mga may katanungan hinggil sa bagong requirements na makipag-ugnayan sa Embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi o konsulada sa Dubai.