Binalaan ng Philippine Embassy sa Malaysia ang mga Pilipino laban sa appoinment scam sa social media.
Ayon sa Embahada, pinayuhan nila ang mga Pilipino na direktang kumuha ng passport appointment sa official online system.
Ipinaalala rin nito na hindi sila gumagamit ng Facebook, Whats App at iba pang social media network.
Samantala, naglaan ng karagdagang slots ang Embahada para sa naturang appointment. —sa panulat ni Airiam Sancho