Plano ng Amerika na tuluyang ipasara ang kanilang embahada sa Cuba.
Kasunod na rin ito nang pagkakasakit ng may 20 empleyado roon.
Ayon kay Secretary of State Rex Tillerson, ang mga nasabing empleyado ay nakaranas ng mild brain trauma, hearing loss, pagkahilo at pagsusuka.
Hinihinala naman ng Amerika na mayroong device na inilagay ang Cuba kayat nagkakasakit ang kanilang mga empleyado at ito ay mahigpit namang itinanggi ng Cuba.
—-