Itinaas na ang code red alert sa headquerters ng humanitarian emergency and response team na nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao o ARMM.
Ito ay dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa dahil sa habagat.
Sa ilalim ng red alert, ang lahat ng personnel ay nakahandang tumugon sa tawag ng tulong para sa rescue at relief operation sa oras na mas lumala pa ang sitwasyon.
Nakatutuok ang grupo at iba pang ahensya ng gobyerno sa 17 mga mababang lugar sa Maguindanao sa posibleng pagbaha.
By Rianne Briones