Inilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang Emergency Cash Transfer (ECT) upang matulungan ang mga biktima ng magnitude 7 na lindol na tumama sa Abra noong Hulyo.
Ang lalawigan ng Abra ang unang recipient ng ECT program, na ipatutupad sa 27 munisipalidad.
Iiral din ang programa sa mountain province, partikular sa mga bayan ng Besao, Bauko, at Barangay Sacasacan sa Sadanga.
Aabot sa kabuuang 23,415 pamilya mula sa Abra at Mountain Province ang makikinabang sa ECT program, na may total budget na 214.5 million pesos.