Magpapatupad ng emergency employment sa Marawi City ang Department of Labor and Employment o DOLE sa sandaling matapos ang labanan at masimulan ang rehabilitasyon ng syudad.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III hindi naman kalakihan ang bilang ng mga manggagawa sa Marawi City na naapektuhan ng labanan.
Sinabi ni Bello na marami silang puwedeng ialok na trabaho sa sandaling simulan na ang rehabilitasyon ng Marawi.
Samantala, nakapagpadala na anya sila ng financial assistance na tatlong libong piso (P3,000) at relief goods sa mga OFW o Overseas Filipino Workers na taga-Marawi City.
“Karamihan ng nasa Marawi ay mga negosyante kaya kokonti lang ang mga empleyado pero ganun pa man ay nagpadala pa rin tayo ng tulong at magpapadala kami sa request ng ating Senator Loren Legarda, emergency employment ito, maaaring i-assign para sa rehabilitation sa lugar at pag-distribute ng relief goods.” Pahayag ni Bello
By Len Aguirre | Ratsada Balita (Interview)
Emergency employment ipatutupad sa Marawi—DOLE was last modified: June 20th, 2017 by DWIZ 882