Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nakalatag na ang kanilang emergency employment program para sa mga residente ng Marawi City na apektado ng kaguluhan doon.
Ayon kay Bello, P30-M ang inilaang pondo para sa programang TUPAD o Tulong Pangkabuhayan sa ating disadvantaged at displaced workers para bigyan ng trabaho ang mga residente.
Sa ilalim ng programang TUPAD, ang mga manggagawa ay magtatrabaho sa loob ng tatlumpung (30) araw para sa social community at agro-forestry projects at may sahod na P338.00 kada araw.
Inaasahang halos tatlong libong (3,000) bakwit ang makikinabang sa nasabing programa ng DOLE o Department of Labor and Employment.
- Meann Tanbio