Hihingi ng karagdagang tulong ang White House sa Kongreso para sa emergency funding upang patulungan ang mga sinalanta ng hurricane ‘Harvey’.
Ayon kay Vice President Mike Pence, nakikiramay ang White House sa lahat ng mga mamamayang naapektuhan ng bagyo.
Inaasahan namang nasa 5.9 billion dollars ang ipo-propose ni US president Donald Trump na hinging budget sa kanilang Kongreso.
Una rito, nagbigay na si Trump ng isang milyong dolyar mula mismo sa kanyang bulsa.