Naglunsad na ng emergency hotlines ang Department of Health (DOH) para sa mga nangangailangan ng patnubay hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa DOH, maaaring tumawag sa (02) 894-26843 (COVID) at 1555 ang sinumang mayroong katanungan hinggil sa COVID-19.
Dito rin maaaring tumawag ang mga nangangilangan ng ayuda kung nagkaroon ng exposure sa mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 o patients under investigation (PUIs).
Ang hotline ay inilunsad sa pagtutulungan ng DOH, national emergency hotline ng Department of the Interior and Local Government DILG at PLDT, Inc..