Hinimok ng Department of Health (DOH) ang publiko na maging laging handa tuwing haharap ang bansa sa anumang uri ng kalamidad.
Ayon kay Health Secretary Pauline Rosell Ubial, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat upang hindi lamang umasa sa mga doktor, nurse at health workers ang pagtugon sakaling magkaroon ng emergency.
Dahil dito, sinabi ng Kalihim na kanila nang pinaigting ang pagsasanay sa lahat ng mga non-government organization at kawani ng gobyerno para sa basic life support.
Binigyang diin pa ni Ubial na dapat magkaroon ng emergency kit ang bawat pamilyang Pilipino na siyang maaaring gamitin sa panahon ng sakuna.
By Jaymark Dagala | Aya Yupangco (Patrol 5)