Inihahanda na ng Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro at pensioners na maaaring daanan ng bagyong Paeng.
Ayon kay GSIS president at general manager Wick Veloso, na maaring makakuha ng hanggang 40,000 pesos na mga emergency loans ang kanilang miyembro.
Naglaan din ang GSIS ng 1.5 bilyon pesos na emergency loans para sa mga miyembro at pensioners sa 15 lugar sa Northern Luzon na dinaanan ng nagdaang bagyo.
Samantala, sinabi pa nito na noong Oktubre 23 ay nakapaglabas na ang GSIS ng nasa 4.5 bilyon pesos na financial assistance sa halos 145,000 GSIS active members at pensioners.
Umaasa sila na ang makatutulong ang nasabing mga loan sa mahigit 69,000 GSIS members at pensioners na naapektuhan ng nagdaang mga kalamidad.
previous post