Maaari nang mag-avail ng Emergency Loan Program ang mga miyembro at pensioner ng Government Service Insurance System (GSIS) na naapektuhan ng magnitude 7 na lindol sa Abra.
Hanggang Setyembre 4 maaaring mag-apply ng loan ang tinatayang nasa 7,000 GSIS members at pensioners.
Ayon sa GSIS, 20,000 pesos ang maaaring i-avail ng mga wala pang emergency loan habang maaari namang manghiram nang hanggang 40,000 pesos ang mga miyembro at pensioner na may existing emergency loan, kung saan ibabawas sa kanilang loan proceeds ang natitirang balanse.
Direkta namang ihuhulog sa Unified Multi-Purpose Identification (UMID) card o temporary E-Card Plus account ang pera.
Babayaran ito sa loob ng tatlong taon na mayroong 6% interest rate. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)