Hindi na pipilitin ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang Kongreso kung ayaw nitong ibigay sa Pangulo ang emergency powers na gagamitin para maresolba ang problema sa trapiko sa Metro Manila.
Ayon sa kalihim, umpisa pa lamang ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hinihingi na nila ang emergency powers.
Ngunit hanggang sa ngayon na nangangalahati na ang kanyang termino ay hindi pa rin naibibigay.
Aniya, paiksi na nang paiksi ang oras at kung ayaw talaga itong ibigay ng kongreso ay hindi na nila ipipilit.
Matatandaang nagkainitan si Tugade at Senadora Grace Poe sa pagdinig ng senado hinggil sa paggarantiya ng emergency power kay Pangulong Rodrigo Duterte.