Pormal nang nagsumite ng panukalang batas si Senador Franklin Drilon upang ligal na mapagkalooban si Pangulong Rody Duterte ng emergency powers.
Inaasahang matutugunan ng nasabing kapangyarihan ang malala nang problema sa trapiko hindi lang sa kamaynilaan kundi pati na rin sa iba pang major urban area sa bansa.
Sa ilalim ng Senate Bill 11 o ang panukalang Transportation Crisis Act of 2016, pahihintulutan ang Pangulo na tumanggap ng mga alternatibong paraan upang mapaayos at mapagaan ang mga proyektong maglalayon maibsan ang trapiko.
Kabilang dito ang pagpapadali ng selective bidding, direct contracting, repeat order, shopping, at negotiated procurement.
By: Avee Devierte