Inaprubahan na ng House Committee on Transportation ang panukalang magbibigay ng emergency powers para sa paglutas ng krisis sa trapiko.
Sa muling pagbubukas ng pagdinig, inaprubahan ng panel ang House Bill 544 o Traffic Crisis Act of 2016.
Ayon kay Committee Chairman Cesar Sarmiento, layon ng nasabing panukala na lumikha ng isa lamang na otoridad sa trapiko na pamumunuan ng Traffic Czar na siya namang itatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipatutupad ang nasabing emergency powers sa Metro Manila, Metro Cebu, Davao City, at ilang lunsod sa Rizal, Cavite, at Bulacan.
Matatandaang sa mga pagdinig noong isang taon, napag-alaman na sa mga nabanggit na lugar lamang may malubhang suliranin sa trapiko.
By: Avee Devierte / Jill Resontoc