Hindi pa matiyak ni Sen. Elect. Dick Gordon kung maipapasa sa Setyembre ang panukalang Emergency Powers para kay Pres. Elect Rodrigo Duterte.
Ayon kay Gordon, ito ay dahil hindi pa nila batid kung anong uri at kung gaano kalawak ang ibibigay na kapangyarihan dito.
Tiniyak din ni Gordon na kanyang pag – aaralan ng maigi ang naturang panukala.
Samantala, umaasa naman si Sen. Sonny Angara na hindi maaabuso ang emergency powers, lalo na at hindi dadaan sa bidding ang mga proyekto sa ilalim nito.
By: Katrina Valle