Dapat na umanong ibigay kay Pangulong Rodrigo Duterte ang matagal na nitong hinihinging Emergency Powers.
Ito ang giniit ni Communications Secretary Martin Andanar upang aniya ay mabigyang solusyon na ang inaasahang matinding problema sa trapiko sa panahon ng kapaskuhan.
Sa ilalim ng Senate Bill 11 o ang Transportation Crisis Act of 2016, mabibigyan ang pangulo ng kapangyarihan na maisa-ayos ang Department of Transportation at mga nasa ilalim ng ahensya nito.
Kabilang sa mga naturang ahensya ay ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Land Transportation Office (LTO) at ang Metropolitan Manila Development Authority.
Gayunpaman, tiwala si Andanar na kahit hindi maipasa agad ang panukalang batas ay magagampanan pa rin ng mga tauhan ng mga naturang ahensya ang kanilang trabaho.