Pinag-aaralan na ng Mababang Kapulungan ang pagkakaluob ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte para maisaayos ang PhilHealth.
Pinaboran naman ito ni Health Sec. Francisco Duque III, at aniya maganda ang plano ng mga mambabatas para matiyak na mabilis na maipatutupad ang mga reporma sa ahensya.
Kasunod nito, ayon kay Cavite Congressman Elpidio Barzaga, sa kanilang ginagawang imbestigasyon lumabas ang iba’t-ibang paglabag sa pagpapatupad ng IRM.
Paliwanag nito, kabilang sa nasilip na iregularidad ay ang pagkakasama ng mga dialysis center at birthing centers sa IRM, gayung binuo ito para sa kasalukuyang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.