Nais ni Senador Grace Poe na i-certify bilang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang panukalang ‘emergency powers’ upang maresolba ang lumalalang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.
Paliwanag ni Poe, mahalagang tingnan ang mga lungsod ng Roma, Tokyo, London at New York na una nang tumugon sa hamon ng pagbabago sa pamamagitan nang maayos na pagpaplano.
Magugunitang binigyang – diin ni Pangulong Duterte sa kanyang talumpati sa isang event sa Pampanga na dapat nang isara ang Metro Manila para sa investments at ibigay ito sa probinsya.
Subalit ipinunto ni Poe na bago maisakakatuparan ang mga repormang hangad ng Punong Ehekutibo sa Pampanga at iba pang lugar sa bansa ay dapat muna nitong paluwagin ang kalakhang Maynila sa pamamagitan ng pangmatagalang solusyon.
Nakabinbin pa rin sa plenaryo ng Senado at Kamara ang panukalang ‘emergency powers’ o ‘Traffic Bill’.