Ibinabala ni United States President Donald Trump ang paggamit niya ng kanyang emergency powers sa pagtatayo ng US – Mexican border.
Kasunod ito ng patuloy na pag-ipit ng Congressional democrats sa hinihingi niyang pondo para sa naturang proyekto.
Nagresulta ito sa dalawang linggong government shutdown pati na ang pag-take over ng democratic lawyers sa Kongreso.
Matatandaang nauna nang nakipag-pulong si Trump sa mga Congressional leader para tapusin ang partial shutdown at magkasundo sa $5 billion na pondo para sa naturang proyekto subalit bigo pa rin ang magkabilang panig na magkaroon ng maayos na kasunduan.