Malaki na ang pag-asang makapasa ang emergency powers para sa Pangulong Rodrigo Duterte para solusyonan ang problema sa masikip na daloy ng trapiko.
Ayon kay Senador Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Services, napag-alaman niyang kasama na sa priority bills ng Malakanyang ang emergency powers para sa Pangulo.
Malaking bagay anya na kaalyado ng administrasyon ang Senate President at Majority Floor Leader dahil agad naisasalang ang isang panukalang batas sa interpellation.
Bagamat malaki anya ang kaibahan ng bersyon ng senado at mababang kapulungan sa emergency powers, inaasahang magkakasalubong rin sa bicameral conference ang dalawang panukalang batas.