Target ng Kongreso na maipasa ngayong taon ang emergency powers para sa Pangulong Rodrigo Duterte para solusyonan ang problema sa traffic.
Kumbinsido si Senador JV Ejercito na mas nakararami sa panig ng mga senador ang boboto pabor sa emergency powers para sa Pangulo.
Binigyang diin ni Ejercito na nagkakaisa naman ang lahat ng mambabatas n nangangailangan na ng extraordinary measures para solusyonan ang problema sa trapiko lalo na sa Metro Manila.
Bahagi ng pahayag ni Senator JV Ejercito
Binigyang diin ni Ejercito na kaakibat ng emergency powers ang political will ng administrasyon na magpatupad ng solusyon tulad ng problema sa pagbubukas ng mga kalsada ng mga pribadong subdivisions.
Puwede rin anyang gayahin ang ginawa ng ibang mga bansa na nilagyan ng regulasyon ang pagbili ng mga kotse.
Bahagi ng pahayag ni Senator JV Ejercito
Marathon hearings
Magsasagawa naman ng marathon hearings ang Senate Committee on Public Services para sa panukalang pagbibigay ng emergency powers sa Pangulong Rodrigo Duterte para tugunan ang problema sa trapiko.
Sinabi ni Committee Chairperson Grace Poe na magsasagawa sila ng hanggang dalawang hearing kada lingo upang matiyak na mayroong maipapasang batas bago mag-Pasko.
Tiniyak ni Poe na kanilang bubusisiin ang panukala at sisiguraduhin na magiging epektibo ito.
Itinakda ni Poe ang kasunod na pagdinig sa ika-24 ng Agosto, araw ng Miyerkules.
By Len Aguirre | Ratsada Balita | Katrina Valle | Cely Bueno (Patrol 19)