Target nang maipasa ngayon Enero ang panukalang pagkakaloob ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte upang solusyunan ang problema sa matinding daloy ng trapiko na nararanasan sa Metro Manila, maging sa Cebu at Davao City.
Ayon kay House Transportation Committee Chairman Cesar Sarmiento, nakatakdang isalang sa debate sa plenaryo ng Kamara ang Traffic Crisis Act sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa Enero 15.
Dagdag pa ni Sarmiento, inaasahan nila itong makakalusot sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara bago matapos ang buwan.
Nakasaad sa panukala na bubuo ng isang traffic authority na pangungunahan ng Traffic Czar na itatalaga ni Pangulong Duterte.
Bukod ditto, itatalaga din ang kalihim ng Department of Transportation o DOTr bilang Traffic Chief de Officio na may kapangyarihang magmando o magbantay sa mga local government unit (LGU) ng mga apektadong lugar.