Tiniyak ng liderato ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na kanilang maipapasa ang panukalang emergency powers na hinihingi ng administrasyong Duterte bago mag-Pasko.
Layon nito na maresolba ang matinding trapiko hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba pang highly urbanized cities sa bansa tulad ng Cebu at Davao.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez at House Majority Leader Rudy Fariñas, kanila nang inihahabol ang pagpasa sa nasabing panukala bago ang kanilang Christmas break sa Kamara.
Kasunod nito, isinisi naman ni Alvarez sa Department of Transportation kung bakit natagalan ang pagpasa sa naturang panukala na hinihingi ng Pangulong Rodrigo Duterte.
By Jaymark Dagala