Isinusulong ni Martial Law Administrator at Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagkakaroon ng emergency procurement.
Ito’y para agad mabili ang mga kinakailangang materyales para sa gagawing rehabilitasyon sa Marawi City sa sandaling magbalik na sa normal ang sitwasyon duon.
Paliwanag ni Lorenzana, maiiwasan aniya nito ang mahabang proseso ng bidding at red tape na siyang nagiging balakid sa mabilis na pagpapatupad ng proyekto ng pamahalaan.
Sa panahon aniyang ito, giit ng kalihim na dapat mabilis ang pagbili ng mga materyales tulad ng yero, hollow blocks, semento, pako at iba pa kung saan, 20 Milyong Piso ang inilaang pondo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa rehabilitasyon ng lungsod.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Emergency procurement kailangan para sa mabilis na Marawi rehab was last modified: July 4th, 2017 by DWIZ 882