Pansamantalang ipinasara ang emergency room ng Laguna Doctors Hospital dahil sa hinihinalang kaso ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS).
Ayon kay Department of Health-Calabarzon Spokesperson Glen Ramos, ang pagsara sa pagamutan ay bahagi ng routine clean up para ma-disinfect ang pasilidad.
Habang ang biktimang hinihinalang apektado ng MERS ay dinala na sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City.
Agad din namang binuksan ang ospital matapos ang malinis ang emergency room ng ospital.
Ang sakit na MERS ay communicable disease na mayroong sintomas na tulad sa trangkaso gaya ng lagnat, ubo, sipon at iba pa.
—-