Lilimitahan lamang ng Philippine General Hospital o PGH ang kanilang emergency room para sa mga pasyenteng may kritikal na kaso ng COVID-19 at mga non-COVID-19 patients.
Ayon kay PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, sunod-sunod ang pagpasok ng mga non-COVID patient sa kanilang ER matapos na maglaan ng mga karadagang ward nang bahagyang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.
Samantala, sinabi rin niya na ang ibang mga pasyenteng hindi na-admit sa naturang ospital ay pansamantalang ilalagay sa waiting list habang ang iba naman ay ililipat sa ibang pagamutan.—mula sa panulat ni Airiam Sancho