Inihayag ng Philippine General Hospital (PGH) na puno na ang kanilang wards bunsod ng dami ng admission ng mga pasyente.
Ayon kay PGH Spokesperson Jonas del Rosario, nag-o-operate ng 200% na higit sa kapasidad ang kanilang emergency room.
Nabatid na ang regular capacity ng kanilang emergency room ay 70 at maaring magbigay serbisyo sa 120 hanggang 150 na pasyente kada araw.
Paliwanag ni del Rosario, maraming pasyente ang napabayaan ang kanilang kalusogan at matagal na hindi nagappatingin dahil sa COVID-19 kaya dumadarating ang mga ito sa ospital na malubha na rin.
Samantala, hinikayat ng tagapagsalita ang ibang ospital na makipag-ugnayan muna sa kanila bago magpadala ng kanilang pasyente.