Mahigit 100% nang nag-o-operate ang emergency rooms ng ilang ospital.
Sa katunayan, ipinabatid ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng PCP o Philippine College of Physicians na ilang ospital ang nag-o-operate sa 130% hanggang 150% sa gitna na rin nang pagsirit pa ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Limpin na hindi na sila nagulat sa mahigit 19,000 bagong kaso ng COVID-19 na naitala kahapon, matapos mag-full capacity ang emergency rooms ng maraming ospital.
Bukod sa punuang ERs, inihayag ni Limpin na ilang ospital ang nagkukulang na rin sa medical supplies at mechanical ventilators kaya’t ang ilang ospital sa Cebu ay pinipili na lamang ang mga pasyente na nangangailangan nito.