Pinaiimbestigahan na ng NTC o National Telecommunications Commission ang emergency text blasts na nagpo-promote kay dating Senador Ferdinand Bongbong Marcos, Jr.
Ipinabatid ito ni NTC Deputy Commissioner Edgardo Cabarios na nagsabi rin na hindi naman emergency ang ipinadalang alert na natanggap ng maraming cellphone users matapos maghain ng COC ni Marcos sa pagka-presidente.
Ayon kay Cabarios, nakipag ugnayan na sila sa mga Telcos na itinangging dumaan sa kanila ang nasabing emergency alert na sa pagkakaalam anila ay tanging sa NDRRMC lamang nanggagaling.
Maaaring ang naturang emergency alert aniya ay nanggaling sa iligal na operasyon ng “portable cell sites” na Radio Based Stations na gumagamit ng frequencies ng mobile networks.