Inaasahang maglalabas na ng desisyon ang World Health Organization (WHO) anumang araw mula ngayon
Ito’y kung papayagan nito o hindi ang paggamit ng emergency use para sa mga bakunang gawa ng Pfizer, Moderna at AstraZeneca kontra COVID-19.
Ayon kay WHO Chief Scientist Soumya Swaminathan, sa ilalim ng nasabing pasya, magkakaalaman na kung maaari nang ipakalat ang mga nasabing bakuna sa ilang bansa na hindi pa nakapagsasagawa ng evaluation sa mga ito.
Una nang nakakuha ng emergency use approval ang Pfizer sa britanya at canada at posibleng susunod na rito ang Amerika sa ilang araw.
Ayon pa sa WHO, halos bilyong doses na ng bakuna ang nailaan sa ilalim ng Covax program upang bigyan ng bakuna ang mga mahihirap na bansa sa mundo kabilang na ang Pilipinas.