Nagsimula nang magbawas ng mga piloto at cabin crew ang Emirates airline dahil sa epekto ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis.
Batay sa ulat, nasa 600 piloto at 6,500 cabin crew ang inabisuhan na ng airlines na wala na silang trabaho.
Ayon sa pamunuan ng Emirates, isang napakahirap na desisyon nito para sa kanila ngunit hindi maiiwasan dahil sa kinaharap ngayong pandemya.
Inaasahan pa umanong madadagdagan ito hanggang sa susunod na linggo.