Inirekomenda ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga nagla-livestream ng misa na i-disable ang pagre-react ng emoji para sa mga manonood.
Ayon kay CBCP spokesperson, Father Reginald Malicdem, lahat ng online mass ay dapat magparehistro sa diocese na nakakasakop dito.
Ito, anya, ay upang matiyak na sumusunod ang bawat simbahan lalo’t nakaka-a-abala umano sa misa ang mga emoji reaction sa livestreams sa social media.
Magugunita na ang online mass ang naging paraan ng mga mananampalataya upang makapagsimba sa gitna ng COVID-19 pandemic.