Napanatili ng Bagyong Emong ang lakas nito habang tinutumbok ang dulong Hilagang Luzon.
Huling namataan ang Bagyo sa layong 530 kilometro, Silangan Hilagang-Silangan ng Casiguran, Aurora.
Kumikilos ito pa-Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 40 kilometro kada oras taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at pagbugso na 70 kilometro kada oras.
Nakataas naman ang Public Storm Warning Signal 1 sa Batanes at Hilagang-Silangan ng Cagayan partikular sa mga bayan ng Santa Ana, Gonzaga at Babuyan Islands.
Samantala, posibleng magdulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Southern Luzon ang low pressure area na namataan sa layong 375 kilometro Kanluran ng Calapan City, Oriental Mindoro. —sa panulat ni Drew Nacino