Nagpasalamat si Emperor Akihito sa mga mamamayan ng Japan na sumang-ayon at tumanggap sa kaniyang pagbaba sa puwesto sa Abril 30 ng taong 2019.
Sa kaniyang pagharap sa publiko, sinabi ng 84 taong gulang na emperador na patuloy niyang gagawin ang kaniyang tungkulin sa mga nalalabing araw niya sa kapangyarihan.
Magugunitang ipinasa ng Japanese Parliament noong isang taon ang batas na pumapayag sa desisyon ng emperador na bakantehin ang kaniyang trono sa loob ng dalawandaang (200) taon ng imperyo.
Bagay na inaprubahan naman ng gabinte ni Prime Minister Shinzo Abe kung saan, sinimulan na rin nitong ihanda ang trono para sa hahaliling emperador na si crowned prince Naruhito sa pagpasok ng Mayo 1 ng taong 2019.
—-