Bagsak sa kulungan ang isang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) dahil sa kasong pangongotong sa Pasig City.
Kinilala ang suspek na si Jomar Palata, 40 taong gulang, at nakatalaga sa Office of the Assistant General Manager for Operations ng MMDA.
Sa imbestigasyon, nagpanggap umano bilang law enforcement personnel ng Land Transportation Office o LTO si Palata at nanghihingi ng isang daang libong piso (P100,000) sa isang negosyante kapalit ng hindi paghuli sa kanyang mga commuter vans.
Mahaharap ang suspek sa mga reklamong robbery extortion, grave coercion, at usurpation of authority.