Ituturing nang APOR ang mga empleyado ng COMELEC gayundin ang mga maghahain ng Certificate of Candidacy (COC) para sa 2022 National Elections.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Harry Roque matapos aprubahan ng IATF ang pagsasama sa lahat ng COMELEC officials at employees sa listahan ng APOR.
Ang filing ng COC ay itinakda mula Oktubre 1 hanggang 8.
Kasabay nito, ipinabatid ni Roque na ang mga kalahok sa WHO Solidarity Trial para sa COVID-19 vaccines tulad ng researchers, workers, members at affiliate staff ng solidatiry trial vaccines team gayundin ang health workers ay papayagan sa interzonal at intrazonal movement, anupaman ang maging community quarantine classification at ipinatutupad na granular lockdowns.