Kalaboso ang isang lolo dahil sa umano’y pagtutulak ng shabu sa Sta. Teresa, North Daang Hari, Taguig City.
Kinilala ang suspek na si Dennis Pecson, 61 taong gulang, isang empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA) at nakatira sa Parañaque City.
Maliban sa 200 pisong buy-bust money, nasabat din mula kay Pecson ang isang pitaka at higit 50,000 pisong halaga ng hinihinalang shabu.
Nakakulong na ngayon ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act.