Bibigyan ng 5 araw na special emergency leave ng hudikatura ang mga empleyado nitong direktang naapektuhan ng pagaalburoto ng bulkang Taal.
Sa ipinalabas na memorandum circular number 01- 2020 ni Chief Justice Diosdado Peralta, layon nitong bigyan ng panahon ang mga epektadong empleyado na na linisin ang kanilang tahanan, magpagamot o kaya naman ay kalingain ang iba pa nilang kaanak na biktima rin ng bulkan.
Maaring gamitin ng apektadong empleyado ang kanyang 5 araw na leave na magkakasunod o kaya naman ay staggered basis sa loob ng 30 araw simula nuong January 13.
Ang naturang leave ay hindi ibabawas sa leave credit na mayroon ang empleyado.