Patay ang isang lalaki na empleyado ng Manila City Hall matapos barilin sa loob ng kanilang bahay.
Nakilala ang biktima na si Carmelo Ocampo, 55-anyos
Sa imbestigasyon ng MPD-Station 1, nakaupo lamang ang biktima sa loob ng bahay nang biglang pagbabarilin ng gunman.
Nakasuot ang suspek ng maong jacket, itim na mask at helmet ayon na rin sa mga saksi sa lugar.
Ito ay mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Nagawa naman maisugod sa ospital ang biktima ngunit namatay rin habang ginagamot.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa pamamaril sa biktima.