Huli sa kamay ng mga otoridad ang isang empleyado matapos pagnakawan ng mahigit P600-K halaga ng cash money ang kanilang kumpaniya sa Barangay 177, Caloocan City.
Kinilala ang suspek na si Gerardo Caraballa, 49-anyos na inaresto at nahaharap sa kasong Qualified Theft matapos nitong hindi ideposit sa bangko ang P630,000 na halaga ng pera.
Ayon sa Caloocan City Police Station (CCPS), tumawag umano ang suspek sa isa sa mga tauhan ng kumpanya, at sinabing kinorner siya ng ilang hindi kilalang lalaki at kinuha ang bag mula sa kanya.
Agad na nagreport ang operations manager ng kumpaniya kasama ang dalawa pang kawani para iulat ang naganap na insidente.
Dito na nalaman ng mga imbestigador na walang nangyaring robbery-holdup dahil idineposito ng suspek ang pera ng kumpanya sa ibang mga bangko.
Sa ngayon, hawak na ng mga otoridad ang suspek na nahaharap sa kaukulang kaso.