Pinag-aaralan ngayon ng ECC o Employees’ Compensation Commission ang posibilidad na maisama ang mga empleyadong naka-work from home sa kwalipikadong makatanggap ng COVID-19 benefits.
Ayon kay ECC executive director Stella Zipagan Banawis, sa ngayon kasi ang tanging maaaring makatanggap ng benepisyo ay ang mga empleyadong nakakuha ng virus sa trabaho.
Kaya naman sinisilip ngayon kung maaari rin na maisama ang mga empleyadong nagka-COVID sa bahay dahil nagtatrabaho rin ang mga ito sa kanilang tahanan.
Sa kasalukuyan, ang mga benepisyong natatanggap ng mga empleyadong tinamaan ng virus dahil sa trabaho ay income, medical reimbursement, death at funeral at cash assistance.