Pinatawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng pagbigti ang Kuwaiti employer ng pinaslang na OFW na si Jeanalyn Villavende.
Batay sa tweet ni Foreign Affairs Undersecretary Dodo Dulay, nagmula ang nabanggit na impormasyon sa kinuhang abogado ng embahada ng Pilipinas sa kuwait para hawakan ang kaso.
Ayon aniya sa abogadong si Fawziya Al Sabah, patas at naaayon sa umiiral na batas sa kuwait at sharia ang naging desisyon ng criminal court ng naturang bansa.
Ito ay dahil ilang araw na pinahirapan at ikinulong si Villavende ng kanyang employer hanggang sa siya ay masawi.
Limang buwan lamang matapos lumipad ni Villavende patungong kuwait para magtrabaho bilang domestic worker noong Hulyo ng 2019, natagpuan itong patay kasunod ng naranasang pagpapahirap at pang-aabuso mula sa kanyang mga employers.