Hinikayat TUCP – Party-List Rep. Raymond Democrito Mendoza ang mga employers na bigyang prayoridad ang Comprehensive Heat Risk Action Plan.
Ayon sa mambabatas, mayroon nang inilabas na labor advisory ang DOLE na naglalatag ng mga hakbang para protektahan ang mga manggagawa mula sa heat stress.
Aniya, isang shared moral responsibility na protektahan ang mga manggagawa sa delikadong lebel ng init na nararanasan ng bansa ngayon hindi lang sa trabaho ngunit maging sa kanilang pagbiyahe papunta sa trabaho.
Kabilang sa mga suhestiyon ng mambabatas ay ang pagkakaroon ng heat breaks, pagpapatupad ng buddy system para mabantayan ng kapwa magkatrabaho ang kanilang kalusugan, pagbibigay halaga sa hydration o pag-inom ng tubig at heat stress orientations upang mabilis na matukoy ng mga manggagawa ang sintomas ng heat stress at kung paano ito reresolbahin. – sa panunulat ni Jeraline Doinog