Mayroon nang legal na batayan ang mga employer na nasa ilalim ng Alert Level 3 para obligahin ang kanilang mga empleyado na magpabakuna na kontra COVID-19.
Ito ang inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello, III kaugnay sa isyu kung maaari bang sibakin ng employer ang mga empleyadong hindi pa bakunado lalo’t papayagan lang ang karagdagang kapasidad sa mga establisyemento na ang mga manggagawa ay bakunado nang lahat.
Inihalimbawa dito ni Bello ang mga restaurant sa Alert level 3 na maaari nang mag operate pero kailangan ay bakunado na ang mga empleyado at ang papasok na customer alinsunod sa inilabas na resolusyon ng IATF.
Dahil aniya rito nagkaroon na ng legal na batayan ang mga employer para i-require sa kanilang mga empleyado na magpabakuna para hindi matanggal sa trabaho dahil kung hindi ay makakalabag ang mga ito sa IATF resolution.