Inihayag ng Philippine Consulate General (PCG) na maraming Employers ng Filipino Domestic Workers ang lumipat na ng bansa dahil sa COVID-19 surge na nararanasan sa Hong Kong.
Bumalik na sa kani-kanilang bansa ang ilan sa employers ng Pinoy domestic workers.
Kasunod nito, umaabot na sa 5,000 Filipino domestic workers sa Hong Kong ang nawalan na ng trabaho.
Ilan din sa naturang OFWs ay nagbakasyon lamang sa Pilipinas noong pasko pero hindi na nakabalik ng Hong Kong dahil sa ilang buwan nang travel ban laban sa Pilipinas at sa walong iba pang mga bansa.
Ilan din sa Pinoy domestic workers ay napaso na ang working visa kaya hindi na nakabalik ng Hong Kong habang may ilan ding na-terminate ang kontrata.