Naghayag ng pagkaduda ang Hong Kong Union of Employment Agencies sa kapasidad ng ilang COVID-19 testing institutions sa Pilipinas.
Ito ay kaugnay sa halos araw-araw na pagkakaroon ng OFW na nagpopositibo sa COVID-19 pagdating sa Hong Kong.
Ayon sa samahan, posibleng hindi sensitibo ang ginagamit na RT-PCR test sa mga testing institutions sa Pilipinas.
Dahil dito, inirerekomenda nila sa Philippine government na tutukan ang sistema sa mga testing centers at kastiguhin ang mahuhuling hindi naglalabas ng tamang resulta.