Pumalo na sa 86% ang employment rate ng graduates sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Ayon kay TESDA Deputy Director General Aniceto ‘John’ Bertiz, natutuwa sila dahil sa taas ng employment rate at nakakukuha na ng trabaho hindi lamang sa bansa maging sa ibayong dagat.
Prayoridad anya ng TESDA na makapag-produce ng mga manggagawa sa agriculture, construction, information technology, business process outsourcing, healthcare at tourism sectors.
Magugunitaang bahagyang bumaba ang bilang ng mga unemployed Filipinos noong Oktubre. – sa panulat ni Jenn Patrolla