Bahagyang tumaas ang employment rate noong Oktubre base sa Philippine Statistics Authority o PSA.
Sa pinakahuling labor force survey, naitala sa 94.4 percent ang bilang ng mga may trabaho nitong Oktubre ngayong taon kumpara sa 94 percent sa kaparehong panahon noong isang taon.
Hinati ng PSA sa tatlong grupo o labor force ang pinagbasehan ng employment rate at kabilang dito ay mula sa agrikultura, industry at services.
Ang malaking bilang ng mga Pilipino ay nagtatrabaho sa services sector o nasa 54.5 percent; 29.6 percent sa agrikultura at 15.9 percent sa industry.
By Drew Nacino